Mahigit 200 katao na ang naitalang nasawi sa patuloy na pagkalat ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), higit 1,000 na ang naitalang pinaghihinalaang kaso ng sakit habang nagpapatuloy ang mga hakbang upang mapigilan ang paglala ng outbreak sa rehiyon.



