Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad para sa 17 kataong nawawala matapos lumubog ang Vietnamese cargo ship na Khoi Nguyen 18, ayon sa Vietnam Foreign Ministry.
Nangyari ang insidente habang naglalayag ang naturang barko malapit sa Yongshu Reef o Fiery Cross Reef sa Spratly Islands sa gitna ng masamang panahon.
May kabuuang 62 katao ang sakay ng barko, kung saan 45 ang kumpirmadong nailigtas habang patuloy ang paghahanap sa iba pang nawawala.
📸: CMG




