Itinaas ang yellow warning level sa Quezon Province dahil sa mga pag-ulan na dala ng low pressure area (LPA) na posibleng magdulot ng mga pagbaha, ayon sa PAGASA.

Habang inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Bataan sa loob ng susunod na tatlong oras.

Samantala, nararanasan ang parehong lagay ng panahon sa Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, Metro Manila, Bulacan, Quezon, Nueva Ecija, Pampanga.



