Itinaas sa yellow alert ang Bataan, Cavite, Metro Manila, at ilang bahagi ng Zambales, Laguna, Bulacan, Pampanga, Rizal at Batangas dahil sa posibleng pagbaha dulot ng habagat at Bagyong Maymay.


Ayon sa PAGASA, makararanas ng mahina hanggang malalakas na pag-ulan sa Nueva Ecija sa susunod na tatlong oras habang parehong lagay ng panahon ang nararasanan sa ilang bahagi ng Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Laguna, Rizal, at Quezon.


