"BAKIT PAPER AUDIT LANG KAYO?"
Tinanong ni Senator-Judge Ping Lacson ang witness na dating COA-ICFAO state auditor na si Roderick Wamil kung bakit "paper audit" lamang ang isinagawa ng COA at kung wala ba silang naging hakbang upang alamin ang tunay na pagkakakilanlan ng mga taong gumagamit ng aliases sa mga dokumento.
Sinabi ni Lacson na maaaring amyendahan ang Joint Memorandum Circular (JMC) upang magkaroon ng mas kumpleto at masusing proseso ng pag-audit sa confidential at intelligence funds.
TUTUKAN ANG LIVESTREAM NG NET25: https://www.youtube.com/live/28qEgsNo2dQ?si=GlMtCQ6maT1auLAc


