Wed, Aug 5Wednesday, August 5, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25/News Update/5 bansa, kumalas sa ICC; U.S., nangakong bubuwagin ang korte
International

5 bansa, kumalas sa ICC; U.S., nangakong bubuwagin ang korte

Lumalalim ang krisis sa International Criminal Court matapos kumalas ang limang bansa at ipanawagan ng administrasyong Trump ang pagbuwag sa tribunal, kasabay ng tumitinding usapin sa soberanya, hurisdiksyon, at umano'y "selective justice" ng ICC.

M
By Misael Dungca III
August 05, 2026 1:53 pm
5 bansa, kumalas sa ICC; U.S., nangakong bubuwagin ang korte
Photo: Misael Dungca III

Nahaharap sa krisis ang International Criminal Court (ICC) matapos ang sunod-sunod na pagkalas ng iba't ibang bansa, kasabay pa ng pagdedeklara ng administrasyon ni US President Donald Trump na kikilos ito para tuluyang mabuwag ang korte.

 

Limang karagdagang bansa ang nagpahayag ng kawalan ng tiwala sa tinatawag nilang "selective justice" ng tribunal na nakabase sa The Hague. Ang malawakang pagkalas na ito ay matapos maglunsad ang administrasyong Trump ng isang agresibo at sistematikong kampanya na naglalayong pilayin ang kapangyarihan ng korte.

 

Sa kasaysayan ng Rome Statute, ang Burundi ang naging kauna-unahang bansa sa buong mundo na tumalikod sa ICC noong Oktubre 2017 matapos akusahan ang korte ng pagkiling laban sa mga pinunong African. Sinundan ito ng Pilipinas noong Marso 2019 sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kumalas matapos buksan ng ICC Prosecutor ang preliminary examination ukol sa kampanya laban sa iligal na droga.

 

Nitong Hulyo 2026 lamang, sumunod sa yapak ng Pilipinas ang mga bansang Chad, Venezuela, at ang tatlong military governments ng Burkina Faso, Mali, at Niger.

 

Ang pinakamalaking banta sa korte ay nagmumula mismo kay Pangulong Donald Trump at sa kaniyang administrasyon na determinadong buwagin ang tribunal. Noong Pebrero 6, 2025, nilagdaan ni Trump ang Executive Order 14203 na nagpapataw ng mabibigat na financial sanctions at visa restrictions laban sa mga opisyal, hukom, at maging mga NGO na tumutulong sa mga imbestigasyon ng ICC laban sa mga mamamayan ng Amerika at mga kaalyado nito tulad ng Israel. Lalong uminit ang galit ng Washington matapos magpalabas ang ICC ng arrest warrant laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at mag-imbestiga sa mga alegasyon ng pang-aabuso ng mga sundalong Amerikano sa Afghanistan at sa mga border patrol agents sa US.

 

Ipinahayag ni US Secretary of State Marco Rubio na ang ICC ay isang direktang banta sa soberanya ng US dahil sinusubukan nitong litisin ang mga sundalo at opisyal ng mga bansang hindi naman pumirma sa Rome Statute tulad ng Amerika.

 

"We have lunatics and crazies involved in the ICC that are talking about charging members of the US military, maybe even the president or a future president," ani Rubio.

 

"We will dismantle the ICC — brick by brick, if necessary," pahayag pa ng Secretary of State.

International
  • Bagyong Maymay, 160 km ang layo sa Sinait, Ilocos Sur; posibleng mag-landfall o humina ayon sa PAGASA
    Breaking NewsAug 05, 2026 2:50 pm
    Bagyong Maymay, 160 km ang layo sa Sinait, Ilocos Sur; posibleng mag-landfall o humina ayon sa PAGASA
  • VP Sara Duterte, nanguna sa 2028 presidential preference survey ng OCTA Research na may 43% suporta
    Breaking NewsAug 05, 2026 2:45 pm
    VP Sara Duterte, nanguna sa 2028 presidential preference survey ng OCTA Research na may 43% suporta
  • Yellow alert, itinaas sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa habagat at Bagyong Maymay
    Breaking NewsAug 05, 2026 2:35 pm
    Yellow alert, itinaas sa Metro Manila at ilang lalawigan dahil sa habagat at Bagyong Maymay
  • News ProgramsAug 05, 2026 2:30 pm
    Vice President Sara Duterte, patuloy na nangunguna sa 2028 presidential survey ng OCTA Research
  • 20 indibidwal kabilang ang mga opisyal ng DPWH, kinasuhan ng NBI dahil sa 'ghost' flood control projects sa Cebu
    Breaking NewsAug 05, 2026 2:25 pm
    20 indibidwal kabilang ang mga opisyal ng DPWH, kinasuhan ng NBI dahil sa 'ghost' flood control projects sa Cebu
  • Klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Sultan Kudarat, sinuspinde bunsod ng lindol
    Breaking NewsAug 05, 2026 2:00 pm
    Klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Sultan Kudarat, sinuspinde bunsod ng lindol
  • VP Sara at Duterte Bloc, positibo ang Q2 ratings | ASPN
    News ProgramsAug 05, 2026 2:00 pm
    VP Sara at Duterte Bloc, positibo ang Q2 ratings | ASPN
  • Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:54 pm
    Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 6.4 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental
  • News ProgramsAug 05, 2026 1:50 pm
    Pagawaan ng kemikal sa São Paulo, Brazil, nasunog
  • PH, pormal nang nagdeposito ng nautical chart sa UN ilang buwan matapos kalampagin ni Sen. Marcoleta
    National NewsAug 05, 2026 1:50 pm
    PH, pormal nang nagdeposito ng nautical chart sa UN ilang buwan matapos kalampagin ni Sen. Marcoleta
  • Magnitude 6.4 na lindol, yumanig sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:45 pm
    Magnitude 6.4 na lindol, yumanig sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental
  • News ProgramsAug 05, 2026 1:40 pm
    Office of Civil Defense, nagbabala at pinag-iingat ang publiko sa Bagyong Maymay at habagat
  • Breaking NewsAug 05, 2026 1:30 pm
    Mga estudyante sa Sultan Kudarat, inilikas sa gitna ng magnitude 7.0 na lindol
  • Minimal o walang epekto ang Bagyong Maymay sa ilang rehiyon sa Luzon, ayon sa PAGASA
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:20 pm
    Minimal o walang epekto ang Bagyong Maymay sa ilang rehiyon sa Luzon, ayon sa PAGASA
  • Pagbaha at banta ng landslides at flashfloods, naranasan sa ilang rehiyon sa bansa bunsod ng sama ng panahon
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:15 pm
    Pagbaha at banta ng landslides at flashfloods, naranasan sa ilang rehiyon sa bansa bunsod ng sama ng panahon
  • News ProgramsAug 05, 2026 1:10 pm
    Mga senador, nagkaisang himukin ang korte na alisin ang TRO sa P85 Metro Manila minimum wage increase
  • Magnitude 7.0 na lindol, yumanig sa Sarangani, Davao Occidental
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:05 pm
    Magnitude 7.0 na lindol, yumanig sa Sarangani, Davao Occidental
  • DPWH, humihiling ng P1.5 bilyong pondo para sa drainage expansion project sa Taft Avenue
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:05 pm
    DPWH, humihiling ng P1.5 bilyong pondo para sa drainage expansion project sa Taft Avenue
  • Fuel subsidy para sa mga PUV driver, itataas sa P12 kada litro simula Agosto 15
    Breaking NewsAug 05, 2026 1:00 pm
    Fuel subsidy para sa mga PUV driver, itataas sa P12 kada litro simula Agosto 15
Top Stories
  1. 1
    Video shows Russian drone chasing Ukrainian civilian
    Aug 05, 2026 10:15 am
  2. 2
    Guatemala's Fuego volcano intensifies, prompts preventive evacuations
    Aug 05, 2026 8:25 am
  3. 3
    Oil prices drop 4% after Qatar, Bessent raise hopes of a US-Iran deal
    Aug 04, 2026 9:10 pm
  4. 4
    Trump says Iran faces 'decapitation' if it doesn't strike deal
    Aug 04, 2026 8:30 pm
  5. 5
    Romania blasts rock as drought threatens nuclear power
    Aug 04, 2026 8:29 pm
  6. 6
    CCTV captures Indonesian authorities intercepting Malaysian pilot accused of smuggling drugs
    Aug 04, 2026 7:20 pm
Senior citizen, patay habang sugatan ang anak sa pamamaril sa labas ng hotel sa Makati City
Senior citizen, patay habang sugatan ang anak sa pamamaril sa labas ng hotel sa Makati City
Aug 05 2026 12:50 pm
OFW mula Negros Occidental, nasagip ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia mula sa pagmamaltrato ng amo
OFW mula Negros Occidental, nasagip ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia mula sa pagmamaltrato ng amo
Aug 05 2026 12:40 pm
Dating state auditor ng COA, nilinaw na preliminary findings pa lang ang AOM sa OVP
Aug 05 2026 12:30 pm
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC