Nangunguna pa rin si Vice President Sara Duterte sa 2028 Presidential Preference Survey ng OCTA Research matapos makakuha ng 43% na suporta.
Batay sa survey, pinakamataas ang naging suporta sa kaniya sa Mindanao na may 76%, sinundan ito ng Visayas na may 51%, habang 34% naman ang nakuha niya sa Luzon.
Isinagawa ang survey mula Hulyo 4 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondent na may edad 18 pataas. | via Madelyn Moratillo


