Humihiling ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng ₱1.5 bilyong pondo para simulan sa susunod na taon ang drainage expansion project sa kahabaan ng Taft Avenue.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, hangad ng proyekto na mabawasan ang mabilis na pagbaha sa lugar sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga drainage system na halos bumilang na ng dekada.
Saklaw ng proyekto ang pagpapalawak ng drainage mula Pasay hanggang Ayala Bridge.
Ipinagpauna na ng DPWH na magdudulot ito ng pagsisikip ng trapiko. Inaasahang matatapos ang proyekto sa loob ng anim hanggang pitong buwan.
📸: Philippine News Agency


