Nakatakdang tumestigo sa Agosto 12 ang dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary na si Manuel Bonoan sa kasong malversation laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng ₱92.8-milyong flood control flood control project sa Pandi, Bulacan.
Kasunod ito ng pagtestigo ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Sandiganbayan, kung saan sinabi niyang si Bonoan ang may kontrol sa lump-sum allocations ng ahensya at nagpapasya kung ilalaan ang mga ito sa mga mambabatas na humihiling ng proyekto.
Ayon kay Bernardo, isa si Revilla sa mga lumapit sa kaniya para sa mga proyekto at humingi umano ng 25% commitment fee.


