Ayon sa PAGASA, nasa Bacnotan, La Union pa rin ang Bagyong Maymay na may lakas ng hanging 65 km/h at pagbugsong umaabot sa 80 km/h.

Sa forecast track, kikilos ito pa-silangan at posibleng mag-landfall sa Ilocos Sur o La Union mamayang hapon o gabi bago tuluyang tumawid sa Northern at Central Luzon bukas, Agosto 6.
Gayunman, inaasahang hihina ang Bagyong Maymay at maaaring maging tropical depression o tuluyang maging low pressure area (LPA) bukas.



