GRANADA, NATAGPUAN SA VIRAC AIRPORT.
Nadiskubre ang dalawang high-explosive rifle grenade sa loob ng isang puting bag malapit sa Runway 06 ng Virac Airport, Catanduanes nitong Lunes, Agosto 3.

Ayon sa Aviation Security Group (AVSEGROUP), agad na iniulat ng mga surveyor ang kahina-hinalang bag sa airport security kung saan nakipag-ugnayan sila sa pulisya at bomb disposal unit.

Isinailalim sa render safe procedure ang mga pampasabog at ligtas na inalis sa lugar para sa tamang disposisyon.
Wala namang naiulat na nasaktan at nanatiling ligtas ang operasyon sa paliparan. | via Jim Tejano
📸: AVSEGROUP




