Pangungunahan ni Vice President Sara Duterte ang “Free Duterte Now” rally sa harap ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands ngayong Miyerkules, Hulyo 29 (local time).
Ayon kay VP Sara, layunin ng rally na ipahayag ang hinaing ng mga Pilipino sa umano’y kawalang-katarungan laban sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nananatiling nasa kustodiya ng ICC si Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity habang nakatakdang magsimula ang kaniyang paglilitis sa Nobyembre 30.


