Nanawagan si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at tiyaking hindi madaling naaabot ng mga ito ang mga baril, kasunod ng pamamaril sa isang paaralan sa Banga.
Ayon kay Tamayo, apat na kabataan ang biktima habang binaril din umano ng hinihinalang suspek ang sarili. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, kabilang ang posibleng kaugnayan ng suspek sa isang online “true crime” community.


