Nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa mga ride-hailing agency at iba pang ahensya ng pamahalaan para palakasin ang seguridad ng mga motorcycle taxi rider matapos ang kamakailang insidente ng pagpatay at pagnanakaw.
Ayon sa PNP, pinag-aaralan ng mga awtoridad ang mga hakbang para maprotektahan ang mga rider, kabilang ang mahigpit ng beripikasyon sa pagkakakilanlan ng mga pasahero bago ang biyahe.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, isang rider sa Caloocan City ang ninakawan at sinaksak gamit ang ice pick, habang isa pang rider na bumiyahe mula Maynila patungong Cavite ang nasawi sa kaparehong insidente.
📸: PNA


