Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na magtakda ang korte ng piyansa para sa kaniyang kasong plunder na ₱573 milyon na kinakaharap niya kaugnay ng umano'y pagkakasangkot niya sa korapsyon sa flood control projects. Para sa Sandiganbayan "premature" ang hiling na ito ng senador.
Sa isang resolusyon, sinabi ng Sandiganbayan Fifth Division na para sa isang taong kinasuhan ng capital offense, kabilang ang plunder o pandarambong, ang piyansa ay hindi usapin ng karapatan kundi diskresyon ng korte.
Dagdag pa ng Sandiganbayan na hindi nito maaaring itakda ang halaga ng piyansa maliban kung unang maghain si Estrada ng naaangkop na aplikasyon para sa piyansa at pagkatapos ng pagdinig, matukoy ng korte na hindi matibay ang ebidensya laban sa kanya.
📸: Sandiganbayan, Senate / File


