Nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa mga ride-hailing companies at iba pang ahensya ng pamahalaan upang palakasin ang seguridad ng motorcycle taxi riders matapos ang magkakahiwalay na insidente ng pagpatay at pagnanakaw.
Ayon sa PNP, pinag-aaralan ng mga awtoridad ang mga hakbang para maprotektahan ang mga rider, kabilang ang mas mahigpit na beripikasyon sa pagkakakilanlan ng mga pasahero bago ang biyahe.
Matatandaang nitong nakaraang linggo, isang rider sa Caloocan City ang ninakawan at sinaksak gamit ang ice pick, habang isa pang rider na bumiyahe mula Maynila patungong Cavite ang nasawi sa kaparehong insidente.
📷: PNA


