SINGAPORE — Lalo pang pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Singapore Prime Minister Lawrence Wong ang diplomatic relations ng dalawang bansa matapos ang kanilang opisyal na pagpupulong sa Singapore kamakailan. Sentro ng talakayan ng dalawang pinuno ang pagpapalawak ng kooperasyon sa trade, technology, at ang pagtiyak ng isang maayos na transition para sa ASEAN chairmanship.
Sa kanyang pagharap sa mga foreign investors at business leaders sa bansa, buong-giting na itinampok ni Pangulong Marcos ang pag-angat ng Pilipinas patungo sa pagiging isang upper-middle-income economy. Ayon sa Pangulo, ito ang pinakamainam na panahon para sa mga investor sa Singapore na magpasok ng kapital sa bansa, partikular sa mga sektor ng infrastructure at renewable energy, habang patuloy na bumubuti ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kasabay nito, pormal ding nagkasundo ang dalawang bansa na paigtingin ang larangan ng makabagong teknolohiya, partikular ang pagbuo at paggamit ng artificial intelligence (AI).
Tiniyak ng dalawang lider ang isang smooth transition sa pagiging chair ng ASEAN sa 2027 upang mapanatili ang katatagan, kapayapaan, at pagkakaisa sa gitna ng mga umuusbong na isyung geopolitical sa Southeast Asia.
Ang matagumpay na pagbisitang ito ay muling nagpapatunay na ang Singapore ay nananatiling isa sa mga pinakamalapit na kaalyado at pangunahing katuwang sa ekonomiya ng Pilipinas sa Asya.


