Nagkaroon ng pagsabog malapit sa entrance ng Department of Justice (DOJ) kaninang 12:17 ng madaling araw.
Ayon sa DOJ, walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.
Gayunman, nagsagawa ng pagsusuri ang Philippine National Police Explosive Ordinance Disposal (PNP-EOD) Unit habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan at dahilan ng pagsabog. | via Earlo Bringas
📸: DOJ


