PABRIKA SA PAMPANGA, NABISTO!

Apat na katao ang inaresto matapos salakayin ng mga awtoridad ang Chuangxing Steel Incorporated sa Magalang, Pampanga.

Sa operasyon, nadiskubre ang umano'y illegal na pagtunaw ng mga Philippine peso coin at pagkakaroon ng mga radioactive material sa loob ng pabrika. Nasagip din ang 347 Pilipinong manggagawa at 37 Chinese nationals.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng mga baryang umano'y tinutunaw at sa mga posibleng paglabag ng kumpanya sa labor, workplace safety, at environmental laws. | via Jim Tejano
📸: PAOCC


