Nag-isyu ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) Region VI laban sa operator ng overloaded na jeepney sa Pavia, Iloilo.
Kumalat sa social media ang viral video kung saan punong-puno ng pasahero ang isang jeep. Katunayan ang ilan sa kanila ay nasa bubong at nasa gilid na ng jeep.
Napag-alaman ng LTO na walang lisensya ang konduktor ng sasakyan habang isinailalim naman sa 90-day preventive suspension ang lisensya ng driver ng jeep.


