Naghahanda ang Land Transportation Office (LTO) na i-blacklist ang kumpanyang Dermalog dahil sa umano’y paglabag sa kontrata para sa ₱3.19 bilyong Land Transportation Management System (LTMS).
Ayon sa ahensya, hindi pa rin kumpleto ang sistema kahit mahigit 900 araw na ang nakalipas mula noong deadline at matapos ang 13 beses na extension ng kontrata.
Pinuna rin ng ahensya ang kakayahan ng sistema na iproseso ang ilang transaksyon tulad ng awtomatikong pagkolekta ng mga multa para sa mga bagong rehistradong sasakyan.
📷: Dermalog


