Agaw-buhay ngayon ang isang traffic enforcer matapos barilin sa ulo sa Midsayap, North Cotabato.
Batay sa paunang ulat ng pulisya, nagbabantay ang biktima sa mga kinordonahang sasakyan sa isinagawang clearing operation ng Traffic Management Unit (TMU), habang ang iba nitong kasamahan ay naghahatid ng mga nakumpiskang sasakyan sa itinalagang impound area.
Nagpaiwan ang biktima upang ipagpatuloy ang pagbabantay. Ilang oras ang lumipas, dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo, lumapit sa enforcer, at binaril ito sa ulo.
Mabilis na tumakas ang mga suspek at patuloy silang pinaghahanap ng mga awtoridad.
| via Ely Dumaboc
📷: Contributed photo


