Nakakuha ng unauthorized access ang isang OpenAI AI agent sa health data portal ng gobyerno ng Australia, ayon kay Prime Minister Anthony Albanese.
Pumasok umano ang AI agent sa medical statistics portal ng Medicare habang nagsasagawa ng research tungkol sa public medical spending. Gayunman, sinabi ng OpenAI na wala silang nakitang ebidensiya na na-access ang patient records.
Patuloy ang imbestigasyon ng Australia sa insidente, kabilang ang posibilidad na naapektuhan ang tatlo pang government health-related websites at kung bakit hindi agad natukoy ng government systems ang breach.
📸: BBC



