POWER ADVISORY: Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maaaring magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) o temporary power interruption ngayong Martes, Hunyo 2, sa ilang bahagi ng Visayas mula 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi upang mapanatili ang integridad ng power system.

Ayon sa NGCP, ang posibleng MLD ay bunsod ng limitadong power generation sa Cebu-Negros-Panay sub-grids.
Maaari pang kanselahin ang nakatakdang MLD kung gaganda ang kondisyon ng sistema o kung bababa ang aktwal na demand sa kuryente.


