Nagtatag ang Korte Suprema ng kauna-unahang Model Supreme Court (Model SC), isang educational simulation na nagbigay sa mga high school student ng karanasan sa pagdinig, pagdedesisyon, at pagpapaliwanag ng mga kaso tulad ng aktwal na proseso sa hukuman.
Bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema, 21 estudyante mula sa isang paaralan ang gaganap bilang mga mahistrado, abogado, tagapagsalita ng korte, at mamamahayag sa isang mock constitutional case.
📸: Philippine News Agency


