Tatalakayin ngayong Lunes, Agosto 3, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga transport group ang mga petisyon para sa taas-pasahe sa halos lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa bansa.
Kabilang sa mga dadalo ay ang Piston at Manibela para sa mga jeepney; Metro Comet Transport Service Cooperative, 997 Sandigan Transport Cooperative, at UV Express National Alliance of the Philippines para sa UV Express; Metro Comet Transport Service Cooperative at Light of Glory Transport Service Inc. para sa mga taxi; at United Transportation Coalition of the Philippines para sa mga motorcycle taxi.
Ayon sa LTFRB, layunin ng pagdinig na makahanap ng solusyon na makabubuti sa mga operator at commuter sa gitna ng patuloy na epekto ng sitwasyon sa Middle East.


