Huling namataan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa katubigan ng Rapu-Rapu, Albay.
Ayon sa PAGASA, mababa ang tiyansang lumakas ito bilang isang bagyo ngunit tatawid ito sa kalupaan ng Luzon at magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, at ilang bahagi ng MIMAROPA.


