Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa layong 1,040 km Silangan ng Northern Luzon.
Sinabi ng state weather bureau na wala pang direktang epekto ang LPA sa lagay ng panahon ng bansa ngunit maaari itong kumilos pa-kanluran at dumaan sa extreme Northern Luzon. Maaari rin itong maging isang bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.


