Naitala ang Pilipinas bilang may pinakamataas na average residential rate sa kuryente sa buong ASEAN nitong Hunyo 2026.
Sumampa sa ₱12.43 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil ng kuryente sa bansa na mas mataas kaysa sa Singapore na may ₱12.34/kWh, na dating nangunguna sa may pinakamahal na singil sa kuryente.
Ito ay bunsod ng sunod-sunod na mga yellow alert sa Visayas dahil sa madalas na pagpalya ng mga planta ng kuryente sa rehiyon, ayon sa Department of Energy (DOE).


