Bininyagan ng Manila Development Authority (MMDA) ang high-tech mobile command center (MCC) para imonitor ang on-time situation sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang MCC ay ipinuwesto ng MMDA ngayong Lunes sa Commonwealth Avenue, Quezon City para bantayan ang sitwasyon ng trapiko na dadaanan ng mga very important persons (VIPs), miyembro ng diplomatic corps at dignitaries na dadalo sa SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, bukod sa pagmomonitor sa daloy ng trapiko para sa SONA ng pangulo, inilagay ng ahensiya ang MCC para mamonitor ang aktibidad.
Ang MCC ay donasyon ng Globe Telecom upang palakasin ang kakayahan ng MMDA sa traffic management at monitoring ng kaligtasan ng publiko sa buong Metro Manila.
Madali na magkaroon ng koordinasyon at komunikasyon ang mga tauhan ng ahensya ng eksakto sa oras sa tulong ng MCC.


