Hindi kinokonsidera ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Jose Melencio Nartatez Jr. na kalabisan ang pagpapakalat ng 23,000 pulis at iba pang force multipliers para sa ikatlong SONA State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, July 22.
Paliwanag ni Nartatez, hindi maituturing na overkill ang deployment ng maraming pulis dahil nasa halos dalawang libong VIPs tulad ng mga opisyal ng gobyerno at diplomats ang nasa House of Representatives para sa SONA.
Maiban dito, maraming grupo ang babantayan ng NCRPO para matiyak na magiging tahimik at maayos ang kaliwat-kanan na kilos protesta.
Binigyang diin ni Nartatez na nais nilang masiguro rin na magiging seamless, smooth at mapayapa ang paghahatid ng ulat sa bayan ng Pangulong Marcos.




