Ilalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang roadmap para sa kaniyang hangad na Bagong Pilipinas na inaasahang magdadala ng benepisyo sa lahat ng Pilipino.
Sa ginawang huling pagrepaso ni Pangulong Marcos sa kaniyang SONA speech, sinabi niyang naiinip na siyang ibahagi ang mga hakbang na nagawa ng administrasyo at ang bukas na binubuo para sa sambayanang Pilipino.
Sa last-minute fine tuning ng kaniyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo na nais niyang maging malinaw at madaling maunawaan ang kaniyang mensahe.
Sa kaniyang SONA noong nakaraang taon, tumagal ng isang oras at 11 minuto ang talumpati ng Pangulo, habang noon naman unang SONA noong 2022 ay isang oras at 14 na minuto.
Barong tagalog ang isusuot ng Pangulo mula sa kolaborasyon ng mga artisans mula Lucban, Quezon; Taal,M Batangas; at Aklan.



