Bukas na muli sa publiko ang Eastbound at Westbound Lane ng Culiat Bridge II sa Congressional Avenue, Quezon City, matapos itong pansamantalang isara nang mahigit dalawang linggo.
Isinara ang tulay kasunod ng sunog noong Hulyo 11 na nakaapekto sa ilalim ng Culiat Bridge II, dahilan upang magsagawa ng inspeksiyon at masusing pagsusuri ang mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Simula ngayong Lunes ng umaga, muli nang pinapayagang dumaan ang mga light vehicles sa magkabilang lane ng Culiat Bridge II. | via Jim Tejano

