Patay ang isang 41-anyos na barangay tanod matapos mabaril habang umaawat sa gulo sa Barangay Buting, Pasig City.
Sa kuha ng CCTV, makikitang nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang grupo ng kalalakihan. Sa gitna ng gulo, isang lalaki ang kumuha ng baril sa sasakyan at inabot sa kasamahan na agad nagpaputok.
Tinamaan ang barangay tanod na noo'y umaawat lang. Isinugod siya sa ospital ngunit binawian din ng buhay. Sugatan din ang isang lalaki matapos hampasin ng baril sa ulo.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang alitan sa simpleng titigan na nauwi sa suntukan at pamamaril. Dalawang sangkot ang naaresto habang patuloy na tinutugis ang gunman at iba pa nitong kasamahan. | via Jim Tejano
📽️: Contributed Video


