Mariing kinondena ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang AI-animated video ng China Daily na naglalarawan sa Pilipino bilang isang unggoy.
Sa naturang video, nakasuot ng Barong Tagalog at salakot ang unggoy habang kumakanta tungkol sa umano’y pagkokontrol ng Estados Unidos at Japan sa bansa kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro, ipinapakita ng naturang video ang pagtingin ng China sa mga Pilipino at panglalait sa umiiral na 2016 Arbitral Award.
Samantala, nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na agad i-down ang video sa internet dahil sa mapanlait at racist na paglalarawan nito sa mga Pilipino, na anila'y lalo lamang nagpapalala ng tensyon at kawalan ng tiwala sa pagitan ng Pilipinas at China.




