FILIPINOS ARE NOT MONKEYS!
Pinalagan ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang inilabas na video ng China Daily na umano’y inilalarawan ang mga Pilipino sa unggoy na sunud-sunuran sa Japan at Estados Unidos.
Ayon kay Tarriela, bastos at may bahid ng racism ang naturang video. Aniya, minamaliit din nito ang 2016 Arbitral Award sa West Philippine Sea.
Hinamon din ni Tarriela ang mga naunang nagsabing dapat siyang humingi ng paumanhin sa China na hilingin din sa Beijing na humingi ng tawad sa mga Pilipino.
Iginiit niya na hindi dapat hayaan ng mga Pilipino ang anumang pangmamaliit sa kanilang dignidad at sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea. | via Earlo Bringas
📸: Jay Tarriela


