Daragdagan ng National Food Authority (NFA) ang minimum buying price ng basang palay mula ₱17 kada kilo sa ₱21 kada kilo simula sa anihan sa Setyembre, ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Bukod dito, pansamantala ring ipatitigil ang pagpasok ng imported na bigas sa Iloilo mula kalagitnaan ng Setyembre hanggang katapusan ng Nobyembre kasabay ng panahon ng anihan.
Layunin ng mga hakbang na mapataas ang kita ng mga magsasaka at matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.
📸: DA


