Nabalot sa takot ang apat na paaralan sa Mandaluyong City nang makatanggap sila ng mga bomb threat.
Kabilang sa mga paaralan ay Eulogio Rodriguez Integrated School (ERIS), Mandaluyong High School, Mandaluyong Elementary School, at Highway Hills Integrated School.
Kinansela ang mga pasok sa naturang paaralan dahil sa banta. Pare-parehas itong ininspeksyon ng K-9 unit at mga awtoridad at nagnegatibo sa anumang uri ng bomba.
📸: EPD NCRPO




