DEEPLY OFFENSIVE, DISTRESSING AND UNACCEPTABLE!
Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang viral na AI videos ng China kung saan inihalintulad ang mga Pilipino sa isang unggoy. Kaugnay ito ng isyu ng girian ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, hindi dapat humantong sa mga nakakasakit at hindi kaaya-ayang larawan ang naturang isyu dahil nagpalala lamang ito ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
📸: DFA


