Kinansela ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag ang pagpunta nito sa Bangkok, Thailand upang dumalo sa pagdinig ng Senate impeachment court sa Lunes, Hulyo 20.
Ayon kay Matibag, ipinaalam na niya sa Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipagpapaliban na lamang ang kanilang nakatakdang pagpupulong.
Aniya, mas uunahin niya ang pagharap bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
📸: PNA


