Wasak ang bahagi ng bahay ng isang pamilya na nakatira malapit sa ilog sa Porac, Pampanga matapos ang malakas na ulan ngayong Sabado, Agosto 29.
Ayon sa may-ari, hirap na nga sila sa buhay, lalo pang naging mabigat ang kanilang kalagayan matapos masira ang kanilang tahanan.
Nananawagan ngayon ang pamilya ng anumang tulong, lalo na para sa kanilang isang taong gulang na anak. | via Monica Pacleb
📷: Lyra Cortes

