Arestado ang isang 20-anyos na babaeng pasahero matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng ₱114,000 sa NAIA Terminal 3.


Patungo sana sa Cebu ang suspek. Nang idaan sa X-ray screening ang kaniyang backpack, nakita ang humigit-kumulang 76 na gramo ng kush na nakatago sa loob ng make-up kit kasama ang isang weed grinder.

Kinumpirma ng PDEA sa field test na marijuana ang nakuhang droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at pagsasampa ng kaso sa suspek. | via Jim Tejano

📸: Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP)


