Magiging maulap na may mga pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang panahon ngayong Biyernes, Hulyo 17 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Batanes, at Babuyan Islands dahil sa habagat o southwest monsoon.
Samantala, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may mga pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides sa mga lugar na makararanas ng malalakas na thunderstorms.



