Nagpasalamat si Pinay tennis superstar Alex Eala sa buong pusong suporta ng mga Pilipino sa kaniya.
Sasabak si Eala sa Round 3 ng WTA 1000 National Bank Open matapos talunin ang American bet na si Alycia Parks.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Eala:
"Mga kababayan, linggo-linggo ko kayo nakikita, sinusuportahan ako. Linggo-linggo ko nakikita kung gaano niyo kamahal ang kapwa niyong Pinoy. Kaya proud na proud na proud na proud ako rin maging Pinoy! Maraming salamat, mga kababayan! Mahal ko kayong lahat!"
📷: WTA

