8 INDIBIDWAL, HULI SA ILEGAL NA PAGLILIPAT NG KRUDO SA BATANGAS.
Arestado ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong indibidwal matapos madiskubre ang isang undocumented fishing vessel at hinihinalang ilegal na paglilipat ng petroleum products sa karagatan ng Barangay Makawayan, Tingloy, Batangas nitong Biyernes, Agosto 15.

Ayon sa PCG, may sakay na humigit-kumulang 5,000 litro ng diesel ang bangka, kung saan 4,000 litro ang umano’y kargamento at 1,000 litro ang para sa sariling konsumo ng sasakyang pandagat.

Patuloy ang case build-up ng PCG upang matukoy ang pinagmulan at legalidad ng mga produktong petrolyo.

Nasa kustodiya na ng Philippine Coast Guard ang walong suspek habang inihahanda ang kaukulang mga kaso.
📸: Philippine Coast Guard

