Patuloy sa paglilinis at pagwawalis sa mga kalsada at paligid ng Las Piñas City ang mga street sweeper sa kabila ng masamang lagay ng panahon ngayong umaga ng Lunes, Agosto 17.
Payong, kapote, tsinelas at bota ang kanilang panangga sa ulan habang ginagampanan ang tungkulin upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod.
Dalawang beses silang nagsasagawa ng paglilinis kada araw. Sa umaga ay nagsisimula sila sa 5:00 a.m. hanggang 8:00 a.m. at sa hapon naman ay 3:00 p.m. hanggang 5:00 p.m.
Agad namang kinokolekta ng mga truck ng Las Piñas Waste Management ang mga nakalap na basura sa bawat barangay. | via Betheliza Paguntalan
