Mabigat at mabagal ang daloy ng trapiko sa EDSA Corner Madison Street, Barangay Barangka Ilaya, Mandaluyong City, bandang 8:28 ng umaga ngayong Lunes, Agosto 17.
Mahabang pila ng mga sasakyan ang makikita sa lugar kasabay ng mabagal na usad ng mga motorista ngayong morning rush hour.
Basang-basa rin ang kalsada dahil sa pag-ulan. Ayon sa PAGASA, makararanas ang Metro Manila ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat dahil sa patuloy na epekto ng habagat.
Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga basang kalsada. | via Hannah Dulay

