Itatapon ang 2.3 toneladang mishandled na karne o hot meat matapos madiskubre sa likod ng pick-up truck sa isang public market sa Malabon City.
Tinatayang nasa P600,000 halaga ng karne ng baboy at manok ang nasamsam sa truck.
Natuklasan din ng mga awtoridad na hindi dumaan sa tamang pagsusuri ang mga karne. Wala rin itong kaukulang papeles at hindi naka-store sa freezer.
Tiniyak naman ng mga awtoridad sa publiko na itatapon ang lahat ng karne.



