Isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) sa red category ang 27 lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bago ang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon dahil sa dati nilang record ng kaguluhan tuwing halalan.
Ayon sa Comelec, kabilang sa mga nasa red category ang Al-Barka sa Basilan; 21 bayan sa Lanao del Sur gaya ng Bayang, Butig, Marantao, at Taraka; Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte; Pandag, Shariff Aguak, at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao del Sur; at Tugunan sa Special Geographic Areas (SGA).
Samantala, inilagay sa "orange category"ang 27 na lugar dahil sa posibilidad ng tensyon sa panahon ng halalan, habang 39 ang nasa “yellow category” na nangangailangan ng pag-iingat at 15 naman ang nasa “green category” na itinuturing na mas mapayapa.
📸: UPS MPS PCR


