Nadagdagan pa ng tatlong pampublikong paaralan sa Quezon City ang may ganap nang solar power system bilang bahagi ng solarization program ng lungsod.
Dahil dito, umabot na sa 20 paaralan ang may operational solar panels.
Ayon sa QC LGU, nakatipid na ang mga paaralan ng humigit-kumulang ₱6 milyon sa kuryente mula Enero hanggang Hunyo 2026, habang nakalikha rin ang mga ito ng 524,000 kWh ng malinis at renewable energy.
📸: Quezon City LGU


